Posibleng maitala sa taong ito ang pinakamataas na bilang ng dengue cases sa kasaysayan ng Pilipinas.
Ito, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ay matapos pumalo na sa 208,000 ang kaso ng dengue simula pa noong Enero.
Sa mga kasong ito, nasa 622 ang namatay dahil sa nasabing sakit.
Sinabi ni Duque na nasa 216,000 dengue cases ang naitala noong 2016 na pinakamataas na sa kasaysayan.
10 rehiyon na sa bansa ang lumampas sa epidemic threshold na kinabibilangan ng Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Soccsksargen at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Kahapon isinagawa sa San Juan City ang anti-dengue search and destroy clean up drive.