Naitala ng PAGASA ang pinakamataas na heat index o init na nararamdaman ng katawan ng tao sa Casiguran, Aurora kahapon, Mayo 1.
Alas-2 ng hapon kahapon nang pumalo sa 46.9°C ang heat index sa Casiguran na maituturing nang mapanganib na lebel.
Habang labinganim (16) na lugar pa sa bansa ang nakaranas din ng dangerous level ng heat index.
Kabilang dito ang Guiuan, Eastern Samar; Dagupan City, Pangasinan; Roxas City, Capiz; Ambulong, Bantangas; Pasay City; Sangley Point, Cavite; Aparii, Cagayan; Maasin, Southern Leyte; Catbalogan, Samar at Infanta, Quezon.
Gayundin sa Clark, Pampanga; Baler, Aurora; Butuan City, Agusan Del Norte; Cotabato City, Maguindanao; Daet, Camarines Norte at Tayabas, Quezon.
Pumalo sa 41°C hanggang 46°C ang naitalang heat index sa mga nasabing lugar.