Naranasan kahapon ang pinakamataas na heat index sa Metro Manila.
Ayon sa PAGASA, pumalo sa 45°C ang heat index sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), 43°C sa Science Garden Monitoring Station sa Quezon City at 41°C naman sa Port Area sa Lungsod ng Maynila.
Nagbabala ang PAGASA sa heat index na 41°C hanggang 54°C na anito’y delikado at magdudulot ng heat cramps at pagkahapo.
Pinakamatindi naman ang heat index na naitala kahapon sa Aparri, Cagayan na nasa 45°C.