Bumilis sa 3.7% ang inflation rate sa Japan nitong Nobyembre, pinakamataas simula noong December 1981.
Dahil ito sa pagtaas ng presyo ng enerhiya, presyo ng bilihin at pabagu-bagong mga gastos sa sariwang pagkain.
Sinabi naman ng Bank of Japan na hindi magtatagal ang naturang cost-push inflation, kaya makakamit ang 2% target nito sa isang matatag at napapanatiling paraan.