Nakapagtala ng panibagong record high single day COVID-19 cases ang Bicol region.
Ito ay matapos na makapagtala ng 455 bagong mga kaso ng COVID-19 sa lalawigan dahilan para umabot na sa 28,914 ang kabuuang bilang ng mga kaso sa rehiyon.
Pinakamaraming naitala na mga bagong kaso sa Camarines Sur na may 287 new cases.
Samantala, umabot naman sa 21,488 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit matapos makapagtala ng 171 new recoveries.
Habang pumalo na sa 992 ang death toll sa rehiyon matapos na madagdagan ito ng lima kung saan dalawa dito ay mula sa Albay at tatlo naman sa Sorsogon.—sa panulat ni Hya Ludivico