Naitala nitong Sabado, Agosto 7 ang pinakamataas na COVID-19 cases sa Metro Manila sa nakalipas na tatlong buwan.
Ayon sa grupong OCTA research, nakapagtala ng 2,823 COVID cases noong Sabado sa NCR o 62% increase simula noong Mayo 2 panahon na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila.
Ang 62% increase ay katumbas ng 2,066 average daily cases.
Ang mabilis na growth rate ng mga kaso sa NCR ay isang indikasyon na posibleng kumakalat na ang delta variant.
Base sa datos ng bio-surveillance ng Department Of Health (DOH), 31% ng sampled cases ay delta variant kumpara sa 16% lamang noong nakalipas na dalawang linggo. —sa panulat ni Drew Nacino