Nakapagtala ng pinakamataas na koleksiyon nitong buwan ng Hunyo ang Bureau of Customs (BOC) na aabot sa mahigit 76 million pesos.
Ayon kay BOC assistant commissioner Atty. Vincent Maronilla, umabot sa mahigit 20 million pesos ang halaga ng nadagdag sa koleksiyon kumpara sa target na 56 million pesos.
Sinabi ni Maronilla, na ang kabuuang bilang ng koleksiyon ay dahil sa alegasyon ng katiwalian, tulad ng pagkakasangkot ng ilang opisyal ng customs sa agricultural smuggling.
Samantala, tiwala naman si Maronilla, na malalagpasan ng kanilang ahensya ang target collection nito na 679.23 million pesos ngayong taon.