Nakapagtala ng record-breaking level ng carbon dioxide o Co2 emission dahil sa kaliwa’t kanang wildfires sa Siberia, Russia; North America at ilang bahagi ng Mediterranean.
Ayon sa earth monitoring service ng European Union, nagresulta sa mahigit 2.5 bilyon tonnes ng Co2, na katumbas ng annual emission ng India, ang malawakang sunog noon lamang Hulyo at Agosto.
Mahigit kalahati ng ibinugang Co2 ay nagmula sa wildfire sa North America at Sibera noong Hulyo.
Dahil dito, posibleng lumala ang global warming at lalong matunaw ang yelo sa arctic at antarctic circle na sanhi ng pag-apaw ng karagatan.—sa panulat ni Drew Nacino