Pumalo na sa 96 ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP) makaraang makapagtala ng 4 sa loob lang ng isang araw.
Batay sa datos ng PNP health service, si patient 93 ay lalaking police lieutenant at nakatalaga sa Cebu City Police Office, police corporal naman si patient 94 na nakatalaga sa Quezon City Police District.
Habang si patient 95 ay lalaking Police Staff Sgt. na nakatalaga naman sa Regional Community Affairs and Development Division sa Visayas.
At si patient 96 naman ay lalaking police executive Master Sgt. na nakatalaga sa personnel holding and accounting unit at uma-attend ng schooling.
Ayon kay administrative support to COVID-19 operations task force o ASCOTF at deputy chief PNP for administration P/Ltg. Joselito Vera Cruz, 3 sa mga nasawi ay hindi mga bakunado, habang ang 1 naman ay nakatanggap na ng 1st dose.
Samantala, umabot naman sa 176 ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa PNP habang 157 naman ang bilang ng mga bagong gumaling.
Dahil dito sumampa na sa 32,631 ang total case ng COVID-19 sa hanay ng PNP kung saan 1,985 dito ang aktibong kaso.—sa panulat ni Rex Espiritu