Ginawaran ng pinakamataas na parangal ng Knights of Rizal si Pangulong Rodrigo Duterte.
Binigyan ang Pangulo ng Knight Grand Cross of Rizal sa kanyang pagdalo sa ika-21 International Assembly and Conference of the Knights of Rizal.
Inihayag ng Pangulo ang mga naging ambag ni Dr. Jose Rizal partikular na ang mga obra niyang Noli Me Tangere, El Filibusterismo at La Solidaridad.
Kasunod nito, umaasa ang Punong Ehekutibo na tutulong ang Knights of Rizal sa kampanya ng pamahalaan sa Pederalismo dahil mismong si Dr. Rizal aniya ang nakakita ng buting maidudulot nito sa pamamahala sa bansa.
By Jaymark Dagala