Napasakamay ni Outgoing Vice President Leni Robredo, sa ika apat na sunod na taon ang ang pinakamataas na rating mula sa Commission On Audit.
Ipinost ni Robredo ang katuwaan at pagmamalaki sa ibinigay sa kanyang opisina na “unqualified opinion” na itinuturing na pinakamataas na markang matatanggap ng isang ahensya ng gobyerno mula sa state auditors.
Ang OVP ay unang nakatanggap ng pinakamataas na audit rating nuong 2018, isang taon matapos itong tawagan ng atensyon ng COA dahil sa delay sa pag liquidate ng travel expenses.