Naitala ng Phivolcs kahapon ang pinaka-mataas na sulfur oxide o s.o. 2 gas emission level ng Bulkang Taal Volcano.
Umabot sa 22,628 tonnes per day ang naitalang volcanic so2 gas emission sa Taal.
Ayon sa Phivolcs, simula kahapon ay 26 na malakas at mahinang lindol na ang naitala bukod pa sa magmatic degassing sa Eastern Sector ng Volcano Island.
Indikasyon ito na anumang oras ay posible ang panibagong pagsabog gaya noong Huwebes, July 1.
Samantala, muling nagbuga ng asupre ang bulkan mag-aala sais kanina. —sa panulat ni Drew Nacino