Naitala ang hindi pangkaraniwang pagtaas ng temperatura ng mundo sa mga buwan ng Enero at Pebrero ng taong ito.
Ayon sa World Meteorological Organization, nahigitan ng mga nasabing buwan ang record high na temperatura kumpara sa nakalipas na taon.
Dahil dito, naaalarma ang WMO sa mabilis na pagbabago ng klima na nararanasan ng mundo dulot ng greenhouse gas emissions.
Itinuturing na pinakamainit na buwan ang Pebrero mula ng magsimula ang modernong pagtatala na mas mataas na normal na temperatura sa mga nagdaang siglo.
By Jaymark Dagala