Naniniwala ang grupong OCTA research na nararanasan na sa Cebu City ang pinakamalala nitong COVID-19 surge.
Ayon sa OCTA, sumirit sa 271 ang 7-day average ng bagong COVID-19 cases sa Cebu o 22% increase mula Agosto 1 hanggang 7 kumpara sa 223 mula Hulyo 25 hanggang 31.
Gayunman, bumaba sa 1.51 ang reproduction number sa lungsod mula sa 1.69 at peak reproduction number na 1.9 noong Hulyo 22,indikasyong bumabagal ang pagdami ng kaso.
Malaki rin ang naitulong ng pagpapatupad ng Modified Enchanced Community Quarantine (MECQ) hanggang Agosto 15 upang mapabagal ang reproduction number at mapababa ang COVID-19 cases.
Samantala, nasa moderate 62% ang hospital bed occupancy sa Cebu City habang nananatili sa high 81% ang Intensive Care Unit (ICU) bed occupancy. —sa panulat ni Drew Nacino