Mararanasan ng Pilipinas ang pinakamatinding epekto ng El Niño sa darating na Oktubre.
Ayon kay Anthony Lucero ng PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section, may mga indikasyon na mararanasan sa nasabing buwan ang mas malakas at mas matinding El Niño kumpara sa naranasan ng bansa noong 1997.
Maituturing aniya ito na pinakamatinding El Niño sa nakalipas na 17 taon sa kasaysayan ng bansa.
Ngayon pa lamang aniya ay dapat maghanda na ang publiko sa magiging epekto nito.
By Rianne Briones