Tinatayang labingtatlong milyong katao ang nanganganib mamatay sa matinding gutom o famine dahil sa civil war sa Yemen, simula pa noong 2015.
Ayon sa United Nations, pinaka-apektado ang milyun-milyong batang Yemeni lalo sa mga war zone.
Sobrang nipis na ng supply ng pagkain, malaki na rin ang kakulangan sa malinis na tubig at halos bumagsak na ang health care system ng bansa dahil sa digmaan.
Sakaling magpatuloy ang sobrang kakulangan sa pagkain at malinis na tubig ay maaaring maranasan ng Yemen ang pinaka-matinding taggutom sa mundo sa nakalipas na isandaang taon.