Pinag-aaralan ng National Food Authority o NFA na alisin sa merkado ang pinakamurang presyo ng NFA rice.
Ayon kay NFA Director Rex Estoperez, nais nilang malaman kung ano ang magiging resulta kapag inalis na ang P27 ng kada kilo ng NFA rice sa mga pamilihan.
Dagdag pa ni Estoperez nais din nilang pag-aralan kung dapat bang ang P32 na kada kilo na lamang ng NFA rice ang matitirang ibenta sa merkado.
Sinabi ni Estoperez na dahil sa napakamurang presyo ng NFA rice ay tinatangkilik pa rin ito ng marami bagama’t hindi kasing ganda ng kalidad kumpara sa commercial rice.
Ang mga nabanggit na hakbang umano ay kailangan pang dumaan at aprubahan ng food council at ni Pangulong Rodrigo Duterte.
—-