Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang inagurasyon ng Healthway Cancer Care Hospital (HCCH) sa Taguig nitong November 24, 2023. Ito ang pinakaunang cancer hospital sa Pilipinas.
Bunga ang paglulunsad ng ospital na ito sa US trip ni Pangulong Marcos. Matatandaang isa ang pagpapatayo ng HCCH sa mga kasunduang nasaksihan ng Pangulo sa sidelines ng 2023 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit na ginanap kamaikalan lang.
Isang premier healthcare institution ang HCCH na nag-aalok ng wide and comprehensive range of cancer services, mula screening, diagnosis, treatment, at post-cancer care. Pangako ni Pangulong Marcos, makapagbibigay ito ng accessible cancer care para sa mga Pilipino. Kabilang sa cancer care services ang radiation oncology, surgery, chemotherapy, at palliative care.
Mapahuhusay ng HCCH ang cancer care services ng bansa, dahil na rin sa leading medical professionals and oncologists nito na sinamahan pa ng modern and state-of-the-art equipment.
Bukod sa newly-inaugurated cancer hospital, mayroon ding primary care services ang pamahalaan kung saan maaaring magpakonsulta para sa early cancer detection. Samantala, nagbibigay naman ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Konsulta Primary Care Team ng libreng diagnostic examinations at laboratory tests.
Para naman sa cancer treatment, sinabi ni Pangulong Marcos na nagtalaga na rin ang pamahalaan ng 25 specialty centers for cancer care sa mga piling ospital ng Department of Health (DOH) sa buong bansa.
Ikatlo ang cancer sa leading cause of death sa bansa. Kaya naman hinihikayat ni Pangulong Marcos ang publiko na i-maximize ang mga programa, pasilidad, at serbisyo ng pamahalaan upang maiwasan at malabanan ang nakamamatay na sakit na ito, para na rin sa kapakanan at kalusugan ng bawat Pilipino.