Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglulunsad ng kauna-unahang lung transplant program sa Lung Center of the Philippines (LCP) sa Quezon City.
Ayon kay Pangulong Marcos, isang malaking tagumpay ang pagkakaroon ng lung transplant program sa Pilipinas.
Naging posible ang paglikha ng joint lung transplant program nang magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng LCP at National Kidney and Transplant Institute (NKTI) noong 2022.
Kaugnay nito, pinasalamatan ng Pangulo ang healthcare professionals sa patuloy na pagbibigay ng serbisyo sa publiko.
Samantala, nangako naman si Pangulong Marcos na aayusin ang mga nasirang gusali sa LCP na naapektuhan ng sunog noong 1998.