Isang Arizona-born na lalaki na mayroong rare condition na nagdulot sa kaniya upang hindi makapagsalita, ay isa na ngayong rapper at songwriter!
Kung paano ito nangyari, alamin.
Taong 1999 nang ipanganak si Isaiah Acosta sa Arizona na mayroong iba’t-ibang kumplikasyon sa kalusugan kabilang na ang Agnathia na isang rare condition na nagdudulot ng kawalan ng isang bahagi ng panga o ang kabuuan nito.
Nang ipanganak daw si Isaiah ay inabisuhan ng mga doktor ang kaniyang ina na wala itong tyansa na mabuhay nang mahaba, ngunit nagawa itong lampasan ni isaiah at ngayon ay isa na siyang ganap na rapper.
Dahil sa kaniyang kondisyon, maraming kinaharap na hamon sa buhay si Isaiah katulad ng bullying at ang panghuhusga ng mga tao sa kaniyang hitsura.
Ayon kay Isaiah, isa sa pinakamalaking challenge sa kaniyang buhay ay ang pakikipag-communicate. Ngunit marami naman daw siyang paraan para makipag-usap katulad ng pagsusulat, pagte-text, pagsa-sign language, at ang paggamit ng communication device.
Pero hindi naging hadlang ang mga challenge na ito para i-pursue ni Isaiah ang kaniyang music career at kung paano siya nakapag-produce ng kanta bagama’t mayroon siyang ganitong klase ng kondisyon?
Iyon ay dahil sa isang rapper na ipinakilala sa kaniya ng mga staff sa ospital na si Traphouse na nagsilbing boses sa kaniyang mga kanta, ngunit sa kasamaang palad ay binawian ito ng buhay noong 2019 dahil sa pancreatic cancer.
Gayunpaman, nagpatuloy ang positibong pananaw ni Isaiah sa buhay kahit na ano pa ang ibinabato ng mga tao sa kaniya, at ngayon, nagsisilbi na siyang inspirasyon dahil sa pagbabahagi niya ng kaniyang kuwento sa pamamagitan ng kaniyang kanta na “Oxygen to Fly.”
Ikaw, anong masasabi mo sa inspiring na kuwento na ito?