Bumaba na sa 9,154 tonnes ang ibinugang sulfur ng Taal volcano.
Ayon sa Phivolcs, kapansin-pansin ang pagbaba ng lebel ng asupre nitong sabado kumpara sa 23,576 tonnes na inilabas ng bulkan noong biyernes na tinawag bilang ‘anomalously high’.
Nakapagtala naman ng anim na volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras na tumagal ng tig-dalawa hanggang limang minuto.
Naglabas din ng vog ang bulkan na resulta umano ng “upwelling” ng mainit na volcanic fluids sa lawa ng Taal.
Nananatili sa alert level 2 ang bulkan, indikasyong nagpapakita pa rin ito ng mga aktibidad.—sa panulat ni Drew Nacino