Ikinalugod ng Malakanyang ang pinal na desisyon ng Korte Suprema sa kaso ni Mary Jane Veloso, ang Pinay na nasa death row sa Indonesia, laban sa kanyang mga recruiters.
Kaugnay ito ng pagpapatibay ng Korte Suprema sa nauna nilang desisyon na payagan si Veloso na magbigay ng kanyang testimonya laban sa kanyang mga umano’y recruiter na sina Maria Cristina Sergio at Julius Lacanilao.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ikinagagalak ng Malakanyang ang desisyon ng Korte Suprema dahil mabibigyan ng pagkakataon si Veloso na patunayang biktima lamang siya.
Sa desisyon ng third division ng Korte Suprema, denied with finality na ang inihaing mosyon nina Sergion at Lacanilao para harangin ang pagtestigo ni Veloso sa pamamagitan ng desposition.
Magugunitang papatawan na sana ng parusang kamatayan si Veloso noong 2015 sa Indonesia dahil sa kasong may kinalaman sa iligal na droga pero napigilan matapos ipanukala ni dating pangulong noynoy aquino na gawing testigo ito laban sa kanyang mga recruiter.