Bahala na ang IATF na pinal na magpasya kaugnay sa panukalang pagkakasa ng granular lockdown ng dalawang linggo kapalit ng ECQ status.
Ayon ito kay DILG undersecretary at spokesman Jonathan Malaya matapos aniyang magpasya ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno na ipatupad ang granular lockdown.
Tiniyak ni Malaya ang suporta ng national government sa LGUs sa pagbibigay ng pagkain sa mga apektadong residente.
Sa dalawang linggong granular lockdown, sinabi ni Malaya na sasagutin ng LGUs ang food assistance sa unang linggo at bahala na ang national government at DSWD sa pagbibigyan ng pagkain sa ikalawang linggo.