Posibleng sa kalagitnaan ng buwan ng Disyembre mailabas ang pinal na listahan ng mga tatakbong kandidato sa 2022 National and Local Elections.
Ito ay ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez dahil na rin sa mga nakabinbin na mga reklamo gaya ng kanselasyon ng mga certificate o candidacy (COC) sa ilang mga kandidato.
Sinabi ni Jimenez nuong isang araw na nasa kabuuang siyamnapu’t isa ang mga petisyon na tatalakayin ng komisyon bago ang final printing ng mga balota sa susunod na buwan.
Aniya, ang mga naturang petisyon ay kinabibilangan ng mga tatakbo sa pagka-pangulo, bise presidente, senators at partylist representatives.
Sinabi ng tagapagsalita ng COMELEC na mananatili sa naturang petsa ang deadline hanggang alas-5:00 ng hapon.
Dahil dito, mayroon na lang apat na araw ang mga kandidato na magbabago pa ang isip na iurong ang kanilang COC.
Samantala, kahit marami raw ang maghahain ng kanilang withdrawal o magsa-substitute ay hindi na papalawigin pa ng COMELEC ang itinakdang deadline sa Lunes.