Ilalatag pa ng Department of Education (DepEd) sa Inter Agency Task Force on the management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang kanilang magiging ulat sa unang linggo ng Mayo.
Ito’y ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones ay kaugnay sa pormal at pinal na pagpapasya hinggil sa pagbubukas ng klase para sa school year 2020-2021 na target sanang gawin sa buwan ng Setyembre batay na rin sa rekumendasyon ng IATF.
Una rito, inamin din ni National Economic and Development Authority (NEDA) acting Secretary Karl Kendrick Chua na hindi pa pinal ang petsa para sa pormal na pagbubukas ng klase sa mga paaralan.
Magugunitang labis na naapektuhan ang pag-aaral ng mga estudyante dahil sa pag-iral ng enhanced community quarantine sa buong Luzon at iba pang mga lugar sa bansa dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sa ilalim naman ng Republic Act 7977 o ang act of lengthening of school calendar, hindi dapat lumagpas sa huling araw ng Agosto ang pagbubukas ng klase.