Dapat simulan nang ipalabas o ibigay ang pinalaking pondo o share sa buwis ng Local Government Units sa ilalim ng 2022 national budget.
Ito ang panawagan ni senator imee marcos sa mga economic managers gitna ng lumulobo na namang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Giit ni Sen. Marcos, ang mga LGUs ang ating frontliners kayat kailangan na nilang matanggap ang matagal nang naipagkait na pagpondo ayon sa Mandanas-Garcia ruling na ipinatupad sa kasalukuyang national budget,pwede anyang simulan ang bagong taon ng tama sa pamamagitan ng pagpapalakas sa mga LGUs para mapangasiwaan ang patuloy na pandemya at mga kalamidad o mga sakuna sa hinaharap.
Batay sa 2018 ruling ng korte suprema, 40% ang dapat na ilaan sa lgus mula sa lahat ng nakolektang buwis ng pamahalaan.
Nasa P960B ang inaasahang maibibigay sa LGUs ayon na rin sa ‘tax base’ o pinagbasehang buwis ng halos php2.4 trillion na kwenta ng Department of Finance (DOF) pero, kapos anya ang naturang ‘tax base sa inaasahan ng LGUs, mayroon kasing P431B na koleksyon sa buwis na ibinukod o hindi isinama ng dof sa pagkwenta nito para sa ilalaang pondo sa LGUS.
Ang ating lgus ay naghihintay pa rin anya sa paliwanag ng dof sa hindi pagsasama ng iba’t-ibang mga koleksyon sa buwis ng gobyerno na may kaugnayan sa barmm, mga programang pang-agrikultura, fire protection, maging ang mga sports equipment,”. —ulat mula kay Cely Ortega Bueno (Patrol 19)