Tiniyak ng National Capital Regional Police Office o NCRPO na poprotektahan nito ang rehiyon laban sa terorismo.
Ito, ayon kay NCRPO Chief Director Joel Pagdilao, matapos ipamalas nila kay William Chang, Hepe ng Assessment Review and Evaluation ng Department of States Anti-Terrorism Assistance, ang pinalalakas na anti-terrorism campaign ng Pilipinas.
Sinabi ni Pagdilao na isa ang bansa sa 60 partner ng anti-terrorism assistance program o ATAP.
Nangako si Pagdilao na paiigtingin pa lalo ng NCRPO ang mga pagsasanay at pagpapalakas ng tactical capabilities ng mga alagad ng batas pagdating sa ground operations at simulation exercises sa bomb threats at iba pang mga pampublikong aktibidad.
By Jelbert Perdez