Lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukalang nagpapalawak sa sakop ng batas laban sa sexual harassment.
Layon ng House Bill 8244 na amiyendahan ang Republic Act 7877 o Anti-sexual Harassment Act at sa ilalim nito ay maparsuhan ang sexually harassment na ginawa physically, verbally o visually gamit ang internet o iba pang teknolohiya sa loob at labas man ng lugar ng trabaho, paaralan o training institutions.
Kapag naging batas pananagutin dito ang mga person in authority na mag-hire, magbigay ng pabor sa trabaho tulad ng appointment, promotion o benepisyo at kumpensasyon kapalit ng sexual favor.
Gayundin ang sinumang mambabastos sa kasamahan sa opisina o mang-iinsulto sa ka trabaho dahil sa sexual orientation nito maging ang mga indibidwal na mangsusulsol o mangungunsinti sa sexual harassment ng iba.
Ang mga boss na hindi aaksyon sa nalalamang kaso ng sexual harassment ay papanagutin din lalo na kung lantaran ang ganitong insidente sa pinamumunuang tanggapan.
Inaatasan sa ilalim ng panukala ang mga kumpanya at tanggapan na magpatupad ng polisiya laban sa sexual harassment na nag-dedetalye ng proseso mula sa imbestigasyon ng ganitong kaso hanggang sa pagpapataw ng parusa.