Inanunsiyo ng Department of Education (DEPED) na target nang simulan sa Pebrero ang pinalawak na face-to-face classes.
Ayon kay DEPED Secretary Leonor Briones, naka-depende ito sa bilang ng COVID-19 cases sa bawat lugar.
Una nang inihayag ng ilang grupo ng mga estudyante na handa naman na sila para sa face-to-face classes lalo’t mayorya sa kanila ay bakunado na.
Samantala, kasado na rin sa pagsisimula ng ikalawang semester ang limitadong face-to-face sa ilang kolehiyo at unibersidad.- sa panulat ni Mara Valle