Malabo pang ipatupad ng MMDA o Metro Manila Development Authority ang pinalawak na odd even scheme sa mga pangunahing kalsada ng Metro Manila.
Ayon kay MMDA General Manager Tim Orbos, kailangan pa nila itong pagpulungan sa Metro Manila Council sa Mayo o sa Hunyo.
Sa ilalim ng panukala, sa halip na isang beses isang linggo lamang bawal sa kalsada ang isang sasakyan depende sa dulong numero ng kanyang plaka, magiging tatlong araw ito sa kada linggo.
Tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, ipagbabawal ang mga plakang nagtatapos sa 1,3,5 at 7, Martes, Huwebes at Sabado naman bawal ang nagtatapos sa 2, 4, 6 at zero samantalang libre para sa lahat ng sasakyan ang linggo.
Sa ngayon, sinabi ni Orbos na nakatutok sila sa pagbubukas ng mga kalye at village based o corporate based na carpooling.
By Len Aguirre