Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang pagpapalawak ng 20 percent student transport fare discount sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Sa ilalim ng Senate Bill 1597 na ini-akda ni Senador Sonny Angara, layunin nitong ipatupad ang diskwento para sa mga estudyante mula elementary hanggang college sa lahat ng uri ng transportasyon nang buong taon.
Gayunman, pagdating sa airfare ay epektibo lamang discount sa domestic travel.
Samantala, hindi naman saklaw sa panukala ang mga post-graduate studies o mga nag-ma-masteral at kumukuha ng short-term courses.