Nagpakalat na ng sundalo sa Sydney, Australia para maging katuwang sa pagpapatupad ng pinalawig na COVID lockdown.
Ito’y matapos magkaroon ng delta outbreak na nagsimula noong Hunyo kung saan tatlong libo ang tinamaan at siyam rito ang nasawi.
Sa kabila ng limang linggong lockdown, patuloy pa rin ang pagkalat ng virus sa Sydney kung saan nakapagtala ng 170 bagong kaso ng COVID-19.
Gayunman, marami ang kumukwestiyon kung kinakailangan ba ang tulong ng militar sa pagpapatupad ng lockdown at hindi na ito isang kalabisan.