Binatikos ng grupong Bantay Bigas ang kautusan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., na palawigin ang bisa ng executive order na nagpapataw ng mababang taripa sa ilang produktong agrikultura.
Sa kabila ito ng panawagang huwag nang palawigin ang kautusan dahil malaki ang magiging epekto sa lokal na produksyon ng bigas sa bansa.
Sa panayam ng DWIZ kay Cathy Estavillo, tagapagsalita ng Bantay Bigas, inilatag nito ang posibleng maging epekto sa mga magsasaka ng Executive Order 171.
Kabilang dito ang pagkalugi lalo’t pagtutuunan na ng gobyerno ang importasyon ng bigas kaysa sa lokal na produksyon.
Samantala, aminado naman si Estavillo na medyo tagilid na ang produksyon ng bansa ngayong huling buwan ng 2022.