Malabo ang pinalulutang na Duterte-Marcos tandem sakaling matuloy ang eleksyon sa transition government kung mapagtitibay na ang federal constitution.
Iginiit ito ni Presidential Spokesman Harry Roque dahil wala nang interes na tumakbong muli ang Pangulong Rodrigo Duterte para pamunuan ang transition government.
Sinabi ni Roque na hiniling ng Pangulo sa Consultative Committee na magkaroon ng halalan dahil ayaw nitong siya ang awtomatikong maging transition leader tungo sa pederalismo.
Kaugnay, sinabi naman ni Roque na hindi pakikialaman ng Malacañang ang magiging karera ni Vice President Leni Robredo kapag naipatupad ang pagbabago sa konstitusyon.
Kasunod ito ng naging pahayag ni dating Chief Justice Hilario Davide na nais lamang mapaiksi ng administrasyon ang termino ni Robredo kaya’t itinutulak ang Charter change.
—-