Nagbabala ngayon ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) dahil sa pinangangambahang pagputok ng Kanlaon Volcano.
Ayon sa Phivolcs, nasa estado na ng pag-aalburoto ang bulkan at tumataas na ang posibilidad ng phreatic explosion sa pinakabukana nito.
Base sa datus ng ahensya, noong Pebrero 11 hanggang 13, umabot na sa 28 ang earthquakes na naitala ng Bulkang Kanlaon.
Pumalo narin umano sa 1,130 tonnes kada araw ang ibinubuga na sulfur dioxide gas emission ng bulkan mula sa summit crater nito.
Pahayag ng Phivolcs, ito na ang pinakamataas na naitala ng kanlaon volcano kung ikukumpara noongH unyo 2020 na nasa 300 tonnes per day lamang ang inilalabas na gas emission.
Iniulat din nito na nagkaroon din ng bahagyang pagtaas sa lower at middle slopes simula noong Hunyo 2020, na nangangahulugan ng paghina ng pressure ng bulkan na posibleng dulot ng hydrothermal, tectonic, o ng paggalaw ng magma sa ilalim ng bulkan.
Dahil dito pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na maging alerto at pinagbawalang pumasok sa four-kilometer permanent danger zone ng kanlaon dahil sa posibleng pagputok nito anumang oras.
Pinayuhan din ng ahensya ang civil aviation authorities na iwasan munang magpalipad malapit sa pinakabukana ng bulkan dahil sa mapanganib ito para sa anumang uri ng aircraft.