Natagpuan na ng militar ang pinaniniwalaang katawan ni John Ridsdel, ang Canadian national na pinugutan ng Abu Sayyaf.
Ayon sa source, natagpuan ang katawan na walang ulo sa creek sa Sitio Tibangao sa Talipao, Sulu, kaninang alas-12:00ng tanghali.
Agad sinuyod ng militar ang paligid ng creek makaraang makatanggap ng impormasyon na doon itinapon ang labi.
Ayon sa mga kinatawan ng SOCO, ang labi ay caucasian looking at pagkatapos masuri, ito ay ituturn over sa militar upang dalhin sa Zamboanga.
Wala naman nakitang indikasyon na doon pinugutan ang biktima.
By Katrina Valle | Jonathan Andal (Patrol 31)