Personal na ini abot ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pinansyal na tulong sa poultry farmers na apektado ng bird flu sa San Luis, Pampanga at sa mga bayan ng Jaen at San Isidro sa lalawigan ng nueva Ecija.
Ang pagbibigay ng grant ay isinagawa sa San Fernando City, Pampanga kung saan nagpasalamat ang Pangulo sa mabilis na pag aksyon ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan para maiwasan ang pagkalat ng virus.
Ang 29 Million Pesos ay paunang tulong pa lamang umano at bahagi ng kabuuang halos 44 Million Pesos na ipagkakaloob ng Department of Agriculture sa mga apektadong poultry farmers.
Samantala ang ACPC o Agricultural Credit Policy Council ay maglalaan din ng 20 Million Pesos sa Rural Bank of San Luis bilang no collateral at no interest loans sa farm workers.
By: Judith Larino
SMW: RPE