Isiniwalat ni Senator Antonio Trillanes IV na mayroon nang kinakausap ang Pangulong Rodrigo Duterte para likidahin siya.
Sinabi ni Trillanes na isa sa mga nakausap ng Pangulo ang nagsabi sa kanya na mayroon na itong mga kinakausap na posibleng magsagawa ng plano.
Sa kabila nito, nanindigan si Trillanes na hindi siya patitinag at itutuloy niya ang kanyang paglalabas ng katotohanan.
Bahagi ng pahayag ni Senator Antonio Trillanes
Impeachment vs. Duterte
Tiniyak din ni Senator trillanes na maaaring masampahan ng impeachment complaint ang Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay matapos hamunin ng Pangulo ang kanyang mga kritiko na sampahan na lang siya ng impeachment complaint.
Ipinaliwanag ni Trillanes na maaaring ang malawakang pagpatay sa ngalan ng kampanya kontra iligal na droga ang magsilbing panggising sa publiko.
Bahagi ng pahayag ni Senator Antonio Trillanes
By Katrina Valle | Ratsada Balita