Pinaikli na ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang umiiral na oras ng curfew sa lungsod simula kagabi, June 15.
Ayon sa Quezon City LGU, mula sa dating curfew hours na alas 8:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga, kanila na itong ginagawang alas 10:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga.
Hindi naman sakop ng curfew ang mga pumapasok sa trabaho, nasa emergency situation o may mga nakatakdang flights o biyahe sa barko.
Samantala, aprubado na rin ng Manila City Council ang rekomendasyon ni Mayor Isko Moreno Domagoso na maibalik sa alas 10:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga ang curfew hours sa lungsod.
Paliwanag ni Ceasar Chavez, chief of staff ni Moreno, layunin ng rekomendasyon ng alkalde ang mabigyan ng pagkakataon ang mga manggagawa na makauwi sa kani-kanilang mga tahanan.