100% na ang kahandaan ng Pilipinas para sa pagho-host ng 30th Southeast Asian Games (SEA Games).
Ayon kay House Speaker Allan Peter Cayetano 1 buwan bago magsimula ang prestihiyosong sport event.
Ayon sa Kongresista, mayroon nalang mga konting aayusin at sa ngayon ay nasa “rehearsing, practicing and meeting” stage na.
Inamin ni Cayetano na naapektuhan ng pagkaantala ng pagapruba ng national budget ang konstruksyon ng iba pang pasilidad ngunit sa tulong ng mga donasyon ay natapos na ang mga ito.
Inaantay na lamang ang full construction ng Athletic stadium at Aquatic center bago magsimula ang patimpalak na pinangako naman ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).
Gaganapin ang opening ceremony ng SEA Games sa Nobyembre 30, Sabado sa Philippine Arena sa Bulacan.