Aangkat ng dagdag na 400 metriko toneladang karne ng baboy ang Pilipinas.
Sa gitna na rin ito ng problema ng bansa sa African Swine Fever (ASF) na tumama sa mga baboy sa halos 40 probinsya na ang pinakahuli ay sa Misamis Oriental.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, tiwala silang mapupunan nang aangkating karneng baboy ang kakulangan sa suplay nito sa bansa habang hindi pa normal ang sitwasyon.
Aprubado na aniya ang aangkating karneng baboy at papipirmahan na lang sa Pangulong Rodrigo Duterte ang mga dokumento hinggil dito para magawa na ang proseso sa importation.