Nakatakdang lumagda ang Pilipinas at Kingdom of Saudi Arabia sa isang kasunduan na magpapahintulot sa mga bilanggo na ituloy ang kanilang sentensiya sa kanilang home country.
Ayon sa Department of Justice, lalagdaan sa susunod na taon ang transfer of sentenced persons agreement, extradition treaty at treaty on mutual legal assistance on criminal matters.
Nagkasunduan na ang dalawang bansa sa isinagawang revision sa naturang mga kasunduan kaya naman hawak ng magkabilang panig ang draft para sa submission at approval.
Kapag naisapinal na ito ay inaasahang mapapauwi na sa bansa ang mga bilanggong Pilipino para ituloy ang kanilang sentensiya dito sa Pilipinas.
Sa tala, 90 ang mga Pilipinong naka-kulong sa Saudi habang mahigit 1,000 naman ang iniimbestistigahan pa sa mga kasong kriminal.