Bumaba pa ang puwesto ng Pilipinas sa 2015 Global Peace Index.
Ang Pilipinas ay nasa ika-141 puwesto na mula sa ika-134 na puwesto noong 2014.
Ayon sa Institute for Economics and Peace, sinusukat ang state of peace ng 162 bansa gamit ang 23 indicators sa ilalim ng 3 pangunahing kategorya-ongoing domestic and internal conflict, societal safety and security at militarization.
Ang pagbagsak pa ng ratings ng Pilipinas ay dulot ng hidwaan sa West Philippine Sea at Masasapano encounter.
Samantala, Pilipinas ang nakatalang pinakamababang ranking sa ASEAN at ikalawa sa pinakahuli sa Asia Pacific kung saan nalamangan nito ang North Korea.
By Judith Larino | Kevyn Reyes