Bumagsak pang lalo ang Pilipinas sa usapin ng press freedom.
Lumabas sa 2018 World Press Freedom Index ng Reporters Without Borders, mula sa ika-127 puwesto, bumaba ang Pilipinas sa ika-133 puwesto sa usapin ng kalayaan sa pamamahayag.
Sa naturang ulat, malaki ang kinalaman ng pagbabanta at paghahamong ginagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga mamahayag.
Maliban dito, tinukoy ding pinakadelikadong lugar ang Pilipinas para sa mga mamamahayag sa buong Asya dahil sa pagkakapatay sa apat sa limang taga-media na pinagbabaril noong nakaraang taon.
—-