Mahigpit na isinusulong ng Department of Tourism ang Pilipinas bilang safe, fun and competitive destination sa kabila ng COVID-19 pandemic.
Kasunod na rin ito ng pagbagsak ng 61.2% ng kontribusyon ng turismo sa gdp ng bansa dahil sa pandemya bagamat nasa P2.51 trillion sa ekonomiya ng bansa nuong 2019.
Ayon sa DOT hindi lamang nalugi ang industriya ng turismo mula sa tourist arrivals kundi sobra sobra ring naapektuhan ng pandemya ang tourism workers.
Kaya tiniyak ng DOT ang paghahanap ng anumang paraan batay sa government restrictions para unti unting buhayin ang industriya ng turismo.