Tiniyak ng World Health Organization (WHO) na mabibigyan ng bahagi ang Pilipinas sakaling madiskubre na ang bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang inihayag ni Food and Drug Administration (FDA) director general Eric Domingo sa gitna ng mga ulat na nagpauna nang umorder ng COVID-19 vaccine ang Estados Unidos at Europe.
Ayon kay Domingo, mismong WHO ang may target na mabigyan ang lahat ng bansa ng access sa bakuna laban sa COVID-19.
Sa ngayon umano ay mayroong mahigit 160 kandidatong bakuna ang pinag-aaralan sa buong mundo.