Hindi na magde-deploy ang Pilipinas ng mga sundalo sa mga lugar na mayroong digmaan kung saan kabilang ang Estados Unidos.
Ito, ayon kay Pangulong Duterte, ay dahil nagkaroon ng mga casualty sa panig ng Filipino sa mga nakalipas na digmaan partikular sa Korean Peninsula at Vietnam.
Pawang kasinungalingan aniya ang ipinararating ng Amerika sa mga kaalyado nitong bansa upang idamay sa digmaang sinimulan ng Estados Unidos lalo sa Middle East kung saan dinukot ng Al-Qaeda ang Filipinong si Angelo dela Cruz.
“Prompting America to declare war but using a lie that they are going inside because there were weapons of mass destruction inside, that was just an excuse, and in that excuse nasali tayo, hindi naman natin alam, basta pasunod-sunod lang, ‘yan ang sinasabi ko, ‘diba may tropa tayo na na-kidnap at sinabi ng IS na kapag hindi ninyo tinanggal ang tropa ninyo ay papatayin namin ang na-hostage naming sundalo.” Ani Pangulong Duterte
Nanindigan si Pangulong Duterte na hindi na madadamay muli ang Pilipinas sa mga kaguluhang pinapasok ng Estados Unidos.
“May mga away sila sa Korea, hinigop nila ang mga Pilipino doon, kasali tayo doon marami na, tapos ‘yung Vietnam war, isinali din nila tayo, ngayon diyan sa Middle East gusto nila Pilipino, so I’m putting on notice no more deployment of Filipino troops, never never again.” Pahayag ni Pangulong Duterte
—-