Hindi pa handa ang buong bansa para sa modified general community quarantine (MGCQ).
Ito ay ayon kay Prof. Ranjit Rye ng UP OCTA Reaserch team, sa panayam ng DWIZ, kasunod na rin ng mungkahi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na isailalim na sa MGCQ ang buong bansa.
Lahat naman tayo gusto mag MGCQ at bumalik tayo sa normal, pero hindi tayo ready for this at the moment,” ani Rye.
Ani Rye, mapanganib ang naturang hakbang lalo na at mayroon pang bagong variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na nakapasok sa bansa.
Lahat naman aniya ay may kagustuhang bumalik na sa normal ang pamumuhay ngunit mas makabubuti aniya sa ngayon na ipagpaliban muna ang pagsasailalim sa bansa sa MGCQ habang inaantabayan ang roll out ng vaccination program ng gobyerno.
Pwede nating pagpaliban, idefer muna natin,” ani Rye. —sa panayam ng Serbisyong Lubos sa 882