Hindi pa tuluyang natatalo ang Pilipinas sa laban sa COVID-19.
Ito ang sinabi ni Health Undersecretary Leopoldo Vega sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Vega, ang tinutugunan ngayon ay ang paglobo ng kaso ngunit hindi ibig sabihin nito ay talo na tayo dahil hindi pa naman aniya nagco-collapse ng health system ng bansa.
Ani Vega kung bubuksan lamang ng lahat ng hospital beds para sa mga covid patient kayang kayang iaccommodate ang mga ito.
Ngunit mayroon pa rin kasi umanon non covid patient na kailangan din bigyan ng atensyong medikal.