Binuweltahan ng Palasyo ang mga kritiko ng administrasyong nagsasabing tila nahuhuli ang Pilipinas pagdating sa pagkakaroon ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokersperson Harry Roque, wala namang nagsasabing mauuna talaga tayo sa pagbili ng COVID-19 vaccine.
Paliwanag ni Roque, normal lamang na unang mabakunahan ang mga mamamayan kung saan ang kanilang bansa ang naka-develop ng bakuna.
Ngunit pagtitiyak ni Roque hindi rin naman ibig sabihin nito ay magpapahuli na ang Pilipinas.
Sinabi ni Roque na maaaring makakuha ng bakuna ang gobyerno mula sa kaibigan nitong bansa na China sakaling mabigong makakuha ng COVID-19 vaccine mula sa Western countries na nagde-develop nito.